Tuesday, February 1, 2011

Alab Iskolar [Music]



Lyrics:

Atin ang lakas, Atin ang bukas
Magmulat, maglingkod, mangahas na makibaka
Walang alinlangan, walang iiwanan
Sa bawat bigwas, tugon ay aklas
Dugo'y ialay man

Refrain:
Karapatan, ipaglaban
Edukasyon, isulong
Maggiit, 'wag manlumo
Sumulong ka, kabataan
Tayo na sa pagbabago
ALAB ISKOLAR

Chorus:
Sama-sama sa laban
Iskolar ng bayan
Tunay, palaban, makabayan
'Di panghihinaan
Sama-sama sa laban
'Wag mag-alinlangan
Sa tagumpay at pagbabago
ALAB ISKOLAR

Atin nang wakasan, Bulok na lipunan
Dala'y kahirapan at kagutuman sa taumbayan
Kaya't manindigan, baya'y paglingkuran
Upang hustisya at demokrasya
Atin nang makamtan

(Refrain & Chorus)

ALAB ISKOLAR, ALAB ISKOLAR
Magsasaka at manggagawa, ating samahan

ALAB ISKOLAR, Magkapit-bisig
Sa tagumpay at pagbabago, ALAB ISKOLAR


Share on Facebook

No comments:

Post a Comment