Magsuri, makilahok, magtagumpay!
MAGILAS ang pagsasara natin sa taong 2010!
Ika-26 ng Nobyembre nang matagumpay nating nailunsad ang “STRIKE” sa UP Diliman. Tatlong-libong mag-aaral, guro, administrador, kawani, at manininda ang nagkaisa’t nagsitindig upang tutulan ang P1.39 BILYON budget cut sa UP at P1.1 B cut sa maintenance at operating expenses (MOOE) ng mga state universities and colleges (SUCs). Sa buong bansa, mahigit sa dalawampung libo ang nagdaos at nakiisa sa mga campus strikes.
Sa protestang ito, napilitan ang gobyernong makinig. Dinagdagan ang budget para sa SUCs (P110 milyon para sa MOOE at P500 milyong congressional insertions - CI.) Dito sa UP, nakakuha tayo ng dagdag na P226 milyon.
Tagumpay natin ito, mga Iskolar ng Bayan. Ito’y nakamit dahil sa ating pagkakaisa na lumabas ng silid-aralan upang ibunyag sa buong bansa ang ating pagtutol sa mga maling patakaran ng kasalukuyang gobyerno.
Ngunit umpisa pa lamang ito, hindi pa tayo dapat tumigil. Ang napagwagiang milyon ay barya lang kung ikukumpara sa kinaltas na bilyon. Heto pa, ang sinasabing CI ay maaring sa salita’t papel lamang mangyari sapagkat magpahanggang ngayon ang P2.8 bilyon na CI mula sa 2010 budget ay hindi pa rin naibibigay.
At ngayong pagpasok ng bagong taon, bagong hagupit ang naka-amba:
- Walang katapusang pagtaas ng presyo ng langis (pagpapatuloy ng Oil Deregulation Law; P200,000 kada oras ang kinikita ng mga oil companies)
- Pagtaas ng pamasahe sa jeep, bus, taxi, at iba pa
- Pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT (Ayon sa kontrata ng MRT, 15% ng ipinuhunan dito ay ibabalik sa korporasyong nagtayo, may pasahero man o wala ang MRT. Masyadong malaki ito kaya nagkautang na ang MRT)
- 300% at 11% na taas ng toll fee sa NLEX at SLEX
- Pagtaas ng presyo ng LPG, NFA rice, asukal, gulay at tinapay
- Pagtaas ng tuition, pagbaba ng kalidad ng edukasyon
- Budget cut rin sa Health at OFWs (12 specialty hospitals at 40 public hospitals ang apektado, Legal Assistance Fund: 2010: P50 milyon, 2011: P27 milyon; Assistance to Nationals Fund: 2010: P150 milyon, 2011: P87 milyon)
Bakit ganito? Bakit pinapayagan ang mga dayuhan at malalaking kumpanya na kumita ng bilyun-bilyon at sinasakripisyo ang mga mamamayan sa taas ng presyo ng mga bilihin? Bakit kapag nalugi ang mga kapitalistang nagnegosyo sa public utilities ay taong bayan ang pinahihirapan? Bakit kinakaltas ang budget sa edukasyon, health at social services pero:
- P80B ang idinagdag sa debt servicing (743B-823B, 49-51% ng Budget);
- P10B ang idinagdag sa military (94B to 104B)
- P1B pa ang idinagdag sa pork barrel sa Kongreso (P25B total)
- 15% (P245B) ng national budget ay nakalaan sa di malinaw na lump sum funds (67B unprogrammed funds, 15B support fund sa DPWH, DOTC at DA atbp.)
Matuwid na daan ang pangako ni P-NOY ngunit bakit ang serbisyo ay nagiging negosyo? Ang mahihirap lalong maghihirap habang ang mayayaman ay lalong yayaman. Ito ang dapat nating tutulan.
Makiisa tayo sa Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND-UP), lagdaan at ipalaganap natin ang UP AGENDA na ipapadala kay Pres. Aquino, at maggigiit ng:
- Higher budget for UP and the rest of the education sector
- Tuition Rollback, Scrapping of STFAP and lab and other fees
- Democratic rights & UP community welfare
- Upholding of PGH as a public hospital accessible to all.
- Reversal of the plan to privatize educational institutions
- End political repression and campus militarization
- Promotion of a nationalist, scientific & mass-oriented education.
Ngayong Bagong Taon, patuloy tayong MAGSURI, MAKILAHOK at MAGTAGUMPAY! Sumama sa:
Feb. 1: NATIONWIDE YOUTH MOBILIZATION AGAINST COMMERCIALIZATION OF EDUCATION 11:30-12:30 AS lobby program, 12:30pm Mendiola (Red Shirt Day);
Feb. 4: MRT-LRT FARE HIKE CONSULTATION (Black Shirt Day) 9am-12noon consultation, LRT2 Santolan Station
Sumali sa STAND-UP! Contact 0916-4110-466
No comments:
Post a Comment